Kristel Fulgar on having her first BF at 29: "May pagka-late bloomer man, nakahabol pa rin"

Ikinuwento ni Kristel Fulgar kung bakit siya nagdesisyong maghintay bago mag-boyfriend.
Sa nakaraang post ni Kristel , inamin niyang magkarelasyon na sila ng kaniyang longtime Korean suitor na si Suhyuk Ha. Sa bagong vlog naman niya, ipinaliwanag ng celebrity vlogger ang kaniyang desisyong maghintay para mahanap ang kaniyang ideal guy.
PHOTO SOURCE: kristelfulgar
"May boyfriend na po ako, bago ako lumagpas sa kalendaryo," sabi ni Kristel.
Hindi raw siya nagsisisi sa desisyong maghintay bago makipagrelasyon.
"May pagka-late bloomer man, nakahabol pa rin. Pero, wala akong pagsisisi kasi talaga namang everything is worth the wait."
RELATED GALLERY: Get to know actress, vlogger, and Hallyu fan Kristel Fulgar
Inamin ni Kristel na nakaramdam siya noon ng pressure dahil ang kaniyang batchmates ay married at may mga anak na.
"I remember parang mga three years ago, medyo napi-pressure na ako kasi nga malapit na ako doon sa gusto kong marrying age which is 30, 31, 32. Tapos, 'yung mga ka-batch ko nagpapakasalan na, may mga anak na."
"I realized sa pagtanda ko, what I really wanted is to have my own family," paliwanag pa ni Kristel.
Ayon kay Kristel, nagkaroon naman ng magandang resulta ang ginawa niyang paghihintay at pagkakakilala kay Su Hyuk.
"Sobrang worth the wait lahat ng bagay. Hindi ko pinagsisisihan na siya 'yung first boyfriend ko at 29 years old. Diniscuss ko rin sa kaniya na 'yung first boyfriend, gusto ko siya na rin 'yung last ko. Hopefully gusto niya rin 'yun matupad."
Inamin pa ng aktres at content creator na ni-reserve niya ang sarili para sa future husband.
"Sinadya ko rin na hindi lumandi ng maaga kasi gusto ko i-reserve 'yung sarili ko para sa future husband ko ng buong buo."
Sa huling bahagi ng kuwento ni Kristel ay nagpayo siya sa mga NBSB o No Boyfriend Since Birth.
Ani Kristel, "Sa mga NBSB girlies diyan, don't be pressured. Know your worth. Ako kasi, I think of myself as a high-value woman. I wouldnt settle for anyone na hindi deserving sa akin. Naniniwala ako na talagang may right guy para sa akin, I just need to wait for the right time and to trust God na mayroon siyang nakalaan, kailangan mo lang talagang mag-pray."
SAMANTALA, NARITO ANG SWEETEST PHOTOS NINA KRISTEL AT SU HYUK:
















