Ama, mawawalay sa nag-iisang anak sa 'Magpakailanman'

Para sa mga ulirang ama ang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado.
Pinamagatang "My Missing Daughter," tampok dito ang kuwento ng isang amang nangungulila para sa kanyang nag-iisang anak.
Masaya ang munting pamilya ni Angkor na binubuo niya, ng asawa niyang si Inday at nag-iisa nilang anak na si Vivian.
Pero mapapabilang si Inday sa mga biktima ng paglubog ng MV Doña Paz. Hindi pa man tapos magluksa si Angkor, isa na namang mahalagang tao ang mamawala mula sa kanyang buhay.
Kukunin kasi ng kanyang biyenan na si Mercy si Vivian at tuluyan ilalayo sa kanya.
Muli bang makakapiling ni Angkor ang anak na si Vivian?
Abangan ang kuwentong 'yan sa "My Missing Daughter: The Antonio Cordeta Story," August 2, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






