Kuwento ng teacher na may bipolar disorder, tampok sa 'Magpakailanman'

Isang kuwento tungkol sa mental health ang Valentine's Day special ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Sa Kabila ng Lahat," kuwento ito ng teacher na Joshua na mada-diagnose ng bipolar disorder.
Ilang beses na ring na-confine sa isang mental health facility si Joshua dahil sa kanyang kundisyon.
May iniinom man siyang gamot para dito, nakakaapekto pa rin ito sa kanyang pang-araw araw na buhay.
Dahil dito, may pangamba si Joshua na umibig at pumasok sa isang seryosong relasyon.
Makakahanap kaya siya ng taong magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang mental illness?
Abangan ang brand-new episode at Valentine's Day special na "Sa Kabila ng Lahat," February 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






