Tampok ang isang viral na kuwento na umantig sa mga damdamin ng mga Pinoy sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Ang Inang Hindi Sumuko: The Nanay Minerva Panganiban Story," ito ang unang episode sa apat na Mother's Day specials na mapapanood sa Magpakailanman sa buong buwan ng May.
Kuwento ito ni Minerva, nanay na nag-viral online dahil sa sunud-sunod na sinapit ng kanyang mga anak.
Isa sa mga anak niya ang hindi makalakad, habang may schizophrenia naman ang isa.
Kasabay ng pag-aalaga sa kanyang mga anak na may special needs, naghahanap rin ng hustisya si Minerva para sa asawa at anak na napaslang.
Saan siya humuhugot ng lakas para patuloy na itaguyod ang kanyang pamilya?
Abangan ang brand-new episode at unang Mother's Month special na "Ang Inang Hindi Sumuko: The Nanay Minerva Panganiban Story," May 9, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:
Si Amy Austria ay si Nanay Minerva na patuloy na inaalagaan ang mga anak niyang may special needs.
Gaganap si Patricia Tumulak bilang Fe, ang panganay ni Minerva at katuwang niya sa pag-aalaga ng mga anak.
Si Jeff Moses ay si Poteng, anak ni Minerva na mapapahamak.
Si Matthew Uy naman ay si Mi-le, anak ni Minerva na may schizophrenia.
Gaganap naman si Migs Cuaderno bilang Muloy, anak ni Minerva na hindi nakakalakad.
Si Zig Dulay ang nagsilbing direktor ng episode.
Abangan ang brand-new episode at unang Mother's Month special na "Ang Inang Hindi Sumuko: The Nanay Minerva Panganiban Story," May 9, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.