Regal Studio Presents
Kuya na magma-migrate, magbibilin sa kanyang kapatid sa 'Regal Studio Presents: Driving Lessons'

Para sa mga magkapatid ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Driving Lessons," ituturo ng isang kuya ang mahahalagang bagay na dapat malaman ng kanyang nakababatang kapatid bago siya umalis.
Patungo na ng ibang bansa si Bryan (Kelvin Miranda) kaya ihahanda niya ang baby sister niyang si Gwyneth (Celyn David) para mabuhay nang wala siya.
Kakayanin bang mabuhay ni Gwyneth sa iniwang mga aral at bilin ni Bryan?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Driving Lessons," September 14, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






