Kylie Padilla and kids bond with Robin Padilla and Mariel Rodriguez's family in Hong Kong Disneyland

Nakisaya si Kylie Padilla at kanyang dalawang anak na sina Alas Joaquin and Axl Romeo sa advanced birthday celebration ng half sisters ng 'Black Rider' actress na sina Isabella at Gabriela, mga anak ng ama niyang si senator Robin Padilla kay Mariel Rodriguez, sa Hong Kong Disneyland kamakailan.
Kasama rin sa fun trip ang kapatid ni Kylie na si Queenie Padilla at mga anak nito. Bukod kina Kylie at Queenie, grupo silang nagtungo sa binansagang "happiest place on earth" kasama ang ilan pang malalapit sa kanilang pamilya.
Base sa Instagram post ni Mariel, 47 silang lumipad sa Hong Kong para ipagdiwang ang birthday ng kanilang dalawang anak ni Robin.
Silipin ang masayang bonding ng blended family ni Binoe sa gallery na ito.









