Kylie Padilla, Marian Rivera, at iba pang aktor na walang kiyemeng humiga sa kabaong

Natapos ang maiksing pagganap ni Kylie Padilla sa 'Black Rider' sa pamamagitan ng paghinga sa isang kabaong.
Sa bagong action primetime series kasi ay agad na namatay ang karakter niyang Bernice, asawa ng bidang si Elias Guerrero na ginagampanan ni Ruru Madrid.
Sa video na ibinahagi ng GMA Public Affairs sa social media, mapapanood si Kylie sa kanyang huling eksena sa serye, kung saan nakasuot siya ng white dress habang nakahiga sa isang kabaong. Pagbukas ng crew, makikitang nakangiti pa ang aktres matapos gawin ang eksena.
Dahil sa kanyang ginawa, umani ng papuri si Kylie mula sa fans at mga manonood.
Bukod kay Kylie, ilang pang mga artista ang gumawa ng ganitong klaseng eksena kung saan sila ay humiga sa loob ng kabaong.
Isa na rito si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na gumanap bilang Jenny sa 2010 GMA series na 'Endless Love.' Ayon kay Marian, memorable ang seryeng ito dahil ito ang unang beses na pumayag siyang mailagay sa kabaong.
“Parang ang dami kong luhang naiiyak d'yan at hindi ko makakalimutan 'yan kasi kung 'di ako nagkakamali, ito 'yung first time ko na pumayag sa isang soap opera na ilagay sa kabaong kasi namatay ako d'yan,” pag-alala ni Marian tungkol sa eksena.
Kabilang din sa mga sikat na nakagawa ng similar na eksena ay sina Ryan Eigenmann, Paolo Ballesteros, Klea Pineda, Maine Mendoza, Martin del Rosario, Antonio Aquitania, at iba pa.
Silipin ang ilang celebrities na pumayag na mailagay sa loob ng kabaong sa gallery na ito.










