Family

Kylie Padilla on AJ Raval's revelation: 'Sana matapos na drama'

GMA Logo Kylie Padilla and kids
Kylie Padilla with her sons, Alas Joaquin and Axl Romeo. Courtesy: Kylie Padilla on Facebook

Photo Inside Page


Photos

Kylie Padilla and kids



Kasunod ng pag-amin ni AJ Raval tungkol sa tatlong anak nila ni Aljur Abrenica, naglabas ng maiksing komento ang dating asawa ng huli na si Kylie Padilla.

Sa pamamagitan ng Facebook post, masayang tinanggap ng Encantadia actress ang inilahad ni AJ na may limang anak na siya at tatlo rito ay sa kanila ni Aljur.

Ani Kylie, "Ito lng po comment ko para matapos na matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata. Sobrang close sila at yun pinaka importante. Happy that now di na kailangan mag tago. Proud of you, peace all around. Sana matapos na drama."

Si Kylie ay may dalawang anak kay Aljur, sina Alas Joaquin and Axl Romeo.

Related gallery: Kylie Padilla's sweet moments with her kids Alas Joaquin and Axl Romeo as seen in this photos

Sa Fast Talk With Boy Abunda kanina, November 12, ibinahagi ni AJ nagkaroon siya ng tatlong anak sa dating relasyon. Ang panganay niyang anak na babae, si Ariana, na seven years old na ngayon. Sinundan ito ni Aaron. Sa kasamaang palad ito ay pumanaw na. Samantala, meron naman silang tatlong anak ni Aljur, sina Aikena, Junior, at Abraham.

Sinabi ni AJ na nagsalita na siya tungkol sa bali-balitang may anak na sila ni Aljur dahil, aniya, “Gusto ko na po matapos and gusto ko na po magkaroon ng freedom 'yung mga kids.”

Nilinaw rin niya na maayos ang relasyon ng kanyang mga anak sa mga anak ni Aljur kay Kylie.

“Okay po sila, naglalaro po sila lagi, and then 'yung panganay ni Aljur, si Alas, very responsible sa mga bunso,” ani AJ.

Samantala, narito ang ilan pang celebrities na inilihim ang kanila ng pagbubuntis:


Regine Tolentino 
Ellen Adarna
Liz Uy
 Sarah Lahbati
Marjorie Barretto
Phoemela Baranda
Aubrey Miles
Sofia Andres
Diana Zubiri
Janella Salvador and Markus Paterson
Georgina Wilson
Elisse Joson

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025
PCSO: No winners in Dec. 29 draws, Grand Lotto 6/55 jackpot prize climbs to P269-M