Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, nagbigay kilig sa 'Luv Is: Love at First Read' mall show

Saya at kilig ang dala ng mga bida ng hit series na Luv Is: Love at First Read na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa kanilang mall show. Kasama rin nila ang kanilang co-star na si Therese Malvar para magpasaya sa Zamboanga.
Dahil isa ang love team nila Mavy at Kyline o MavLine sa mga pinaka inaabangan, marami rin ang nasabik at kinilig sa kanilang teleserye at full support ang kanilang mga fans. Kaya naman lubos din ang saya ng mga Kapuso stars na makapag-perform para sa kanila bilang pasasalamat.
Tingnan kung paano pinakilig ng MavLine at ni Therese ang mga Zamboangueño sa gallery na ito:












