Kyline Alcantara breaks silence on breakup with Mavy Legaspi

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Mavy Legaspi.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Kyline na marami siyang natutunan sa naging relasyon nila ni Mavy pero ngayon ay moving on na siya sa mga naging karanasan niya rito.
“Well, in every relationship naman po that I have or had whether it's professionally or friendly man or romantic, I always try to learn something from it both the good and the bad experiences,” sabi ni Kyline sa batikang TV host na si Boy Abunda.
Dagdag pa niya, “Right now, I think we should move on from that experience and I will treasure that moment po kasi siyempre it made me who I am today with all that happened. I feel grateful that I experienced that po.”
Matatandaan na naging maingay ang breakup nina Kyline at Mavy dahil sa maraming ispekulasyon na lumabas sa social media.
Pero hindi pa rin malinaw ang naging ugat nang hiwalayan ng dalawa. Bago ang kanilang controversial split, nagtambal pa sina Kyline at Mavy sa kanilang first-ever Kapuso series together na Luv Is: Love at First Read.
Samantala, nali-link naman ngayon si Kyline sa celebrity basketball player na si Kobe Paras. Tikom naman ang bibig ng aktres sa real score nila ni Kobe. Pero makailang beses na ring nakita ang sweet gestures nina Kyline at Kobe sa isa't isa.
Magbabalik teleserye naman si Kyline bilang bida-kontrabida sa Pinoy adaptation ng Korean series na Shining Inheritance sa GMA.
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4PM sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Sweetest photos of Mavy Legaspi and Kyline Alcantara




















































