Kyline Alcantara sa kanyang last breakup: 'It was a beautiful experience'

Hindi naging madali para kay Beauty Empire star Kyline Alcantara ang huling pinagdaanang breakup. Ngunit kahit masakit, para sa aktres, naging magandang karanasan pa rin ang kanyang pinagdaanan.
Matatandaan na noong November 2024 nang kumpirmahin ni Kobe Paras ang relasyon nila ang aktres sa isang panayam sa Cosmopolitan Philippines magazine. Sa panayam sa kanya ng naturang magazine, tinanong siya kung sino ang biggest celebrity crush niya.
Sagot ni Kobe, “Kyline Alcantara, because we are dating.”
Ngunit nitong Abril 2025, sa isang video na pinost ng ina ni Kobe na si Jackie Rice, ay kinumpirma naman nito na hiwalay na ang kanyang anak sa naturang Sparkle actress.
Sa pagbisita ni Kyline sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 11, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang naturang hiwalayan at ang kaakibat nitong heartbreak para sa aktres.
Tingnan ang naging usapan nina Kyline at Tito Boy sa gallery na ito:









