Lalaki, ipapahamak ng sarili niyang tiyuhin sa '#MPK'

Isang kuwento ng pagbabago at pagbangon ang matutunghayan sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "The Lost Boy," tungkol ito sa pagkapariwara ng buhay ng isang lalaki dahil na rin sa impluwensiya ng sarili niyang kamag-anak.
Mangangailangan ng malaking halaga ng pera si Allan dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama.
Kaya naman nang alukin ng trabaho ng kanyang tiyuhin, kakapit siya sa patalim at agad itong tatanggapin kahit pa may kinalaman ito sa pagnanakaw.
Dito magsisimula ang buhay ni Allan bilang isang kriminal.
Magkakaroon pa kaya ng pagkakataon si Allan na magbagong buhay?
Abangan 'yan sa brand new episode na "The Lost Boy," August 19, 8:15 p.m. sa #MPK.
Ito ang pangatlong episode sa month-long special ng '#MPK' kung saan bibigyang-buhay ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang apat na inspiring stories ng mga pambihirang tao.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






