Magpakailanman
Lalaki, magiging bugaw para ipagamot ang ina sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng isang lalaking kumapit sa patalim ang hatid ng bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Body for Sale," tungkol ito kay Nelson, lalaking nagtatrabaho bilang isang bugaw.
Gagawin ni Nelson ang lahat para maipagamot ang nanay niyang may cancer.
Papasukin niya lahat ng trabaho pero mahina na ang katawan niya matapos magbenta ng isa sa kanyang mga kidney.
Mapipilitan si Nelson na maging bugaw para kumita ng pera.
Ito na ba talaga ang landas na tatahakin ni Nelson?
Abangan ang brand-new episode na "Body for Sale," July 5, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






