Lalaki, saksi sa double murder ng kanyang pamilya sa 'Magpakailanan'

Magkasunod ang trahedya sa buhay ng isang lalaki sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Double Murder sa Pamilya: The Dindo Sumibcay Story," kuwento ito ng isang lalaki na masasaksihan ang pagpaslang sa kanyang amain at ina.
Unang pupuntiryahin ng riding in tandem ang stepfather niyang si Melvin. Hindi magtatagal, babalik ang mga ito at ang nanay naman niyang si Lina ang mapapatay.
Makakabangon pa ba si Dindo sa kambal na trahedya sa kanyang pamilya?
Abangan ang brand-new episode na "Double Murder sa Pamilya: The Dindo Sumibcay Story," July 26, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






