Lalaking gustong maging pulis, naging drug runner sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng isang Pinoy na nasa abroad ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Pangarap at Hustisya: The Jimmy Aguilar Story," tungkol ito sa isang Pilipino na nagtatrabaho sa Malaysia.
Pangarap ni Jimmy na maging isang pulis pero dahil sa kakapusan, pinili niyang makipagsapalaran sa ibang bansa.
Sa ilegal na paraan pumasok ng Malaysia si Jimmy kaya kaunti lang din ang naging work opportunities niya roon.
Magtatrabaho siya bilang drug runner para sa isang Chinese drug lord.
Anong panganib ang naghihintay kay Jimmy sa mundong pinasok niya?
Abangan ang brand-new episode na "Pangarap at Hustisya: The Jimmy Aguilar Story," January 10, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






