Regal Studio Presents
Lalaking nag-viral, lilinisin ang reputasyon sa 'Regal Studio Presents: My Sweet Charity'

Napapanahon ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "My Sweet Charity," kuwento ito ng lalaking nag-viral at volunteer worker na makikilala niya.
Madudungisan ang reputasyon ni Alex (Ricci Rivero) dahil sa isang viral video. Para linisin ang kanyang image, sasali siya sa charity work na tutulong sa mga nangangailangan.
Makikilala niya dito ang dedicated volunteer worker na si Charrie (Roxie Smith).
Mapapatunayan ba ni Alex na mabuting tao siya sa tulong ni Charrie?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "My Sweet Charity," July 27, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






