Lalaking separado, bibigyan ng second chance ang sarili sa 'Regal Studio Presents: Move On, Man!'

Isang kuwento tungkol sa second chances ang tampok sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Move On, Man!" iikot ito kay Rene, lalaking hiniwalayan ng kanyang asawa dahil sa pagiging workaholic at pabaya sa sarili.
Sa tulong ng isang life coach, sasailalim siya sa makeover at sububukan makipag-date muli.
Makikila ni Rene si Ashley, babaeng fresh at exciting and pananaw sa buhay.
Paano siya tutulungan ni Ashley sa pagmo-move on?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Move On, Man!," February 15, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






