Relationship

Lars Pacheco, inamin ang totoong rason ng hiwalayan nila ni Clyde Vivas

GMA Logo Lars Pacheco and Clyde Vivas
Photo source: Ogie Diaz YT, stark_cv (IG)

Photo Inside Page


Photos

Lars Pacheco and Clyde Vivas



Noong August, naging usap-usapan online sina Lars Pacheco at Clyde Vivas dahil sa pag-amin ng transwoman beauty queen sa kaniyang cheating issue, na naging dahilan ng kanilang breakup.

Sa panayam ni Lars sa vlog kasama si Ogie Diaz, ibinahagi nito ang kaniyang totoong rason sa pakikipaghiwalay kay Clyde.

Inamin ng content creator na sa loob ng 7 na taon nilang relasyon ay "parang ako lang lahat."

"For 7 years na 'yun, ang bigat-bigat pala, bakit ako lang mag-isa. I mean kasama ko siya, pero feeling ko mag-isa lang ako like sa mga responsibilidad sa mga ganito ganyan. Never ko siya napakinggan na mayroon siyang pangarap para sa aming dalawa, walang ganon," paliwanag ni Lars.

Dagdag pa niya, "Parang all his life, naka-depend lang siya sa akin."

Inamin ni Lars na wala pa ang mga cheating issue ay naramdaman na niya ang pagkapagod sa kanilang relasyon.

Pressured daw ito dahil isa siyang breadwinner sa kaniyang pamilya, pati na rin sa kanilang dalawa ni Clyde.

Maliban sa kaniyang pagkapagod, alam at ramdam naman daw ni Lars ang pagmamahal sa kaniya ni Clyde.

"Pero mahal niya ako alam ko po as in, kaya niya po siguro mamatay para sa akin," sabi nito.

Ibinahagi ni Lars na pinili niya lamang makipaghiwalay para matuto si Clyde mag-isa at maging successful ito sa buhay. Ginawa rin daw niyang mag-cheat para magkaroon ng rason na bumitaw si Clyde sa kanilang relasyon.

"Sobrang guilty ko lang kasi ang na-compromise ko 'yung relationship namin," paliwanag nito. "Wala akong gustong mangyari sa kaniya kundi maging successful talaga siya."

Panoorin ang buong panayam ni Lars Pacheco dito:

Video courtesy of Ogie Diaz (YouTube)

Samantala, kilalanin si Clyde sa gallery na ito:


Clyde Vivas
Followers
Content
Hobby
Fur dad
Relationship
Supportive
Breakup
Statement
Messages

Around GMA

Around GMA

'PBB Collab 2.0': KrysTon, CapGo featured on EDSA billboards
Drunk man sets self on fire after forcing way into house
Heart Evangelista teases new project on social media