Legaspi family breaks silence on online criticisms

Sa unang pagkakataon, sumalang ang Hating Kapatid stars na sina Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Mavy Legaspi, at Cassy Legaspi sa GMA Integrated News Interviews, kung saan nakapanayam sila ni Nelson Canlas.
Binasag na ng Legaspi family ang kanilang katahimikan tungkol sa online criticisms na ibinabato laban sa kanilang pamilya.
“Lahat ng tao na naniniwala sa fake news or whatsoever, then let them be. Kung at peace sila sa gano'n, let them. We don't fight back, whatsoever. Yes, tao lang kami. It hurts to see those. But at the end of the day, what do they know?” ani Mavy.
Ayon pa kay Zoren, wala silang mga kalaban o kaaway.
Aniya, “Kumbaga, kung ano'ng gusto nilang paniwalaan, e paniwalaan nila. Wala kaming kalaban, wala kaming mga kaaway. We get to sleep properly, mahimbing ang mga tulog namin.”
Inamin naman ni Carmina Villarroel na naapektuhan siya sa mga pambabatikos online.
“'Yun din 'yung sinabi ko sa kanila na let the people speak for us. Kasi raw maraming nagsasabi, why don't you talk? Ba't 'di kayo magsalita? Defend your ganito, ganyan.
"Ako kasi, naa-affect ako kasi why? Why? Why is this happening and why are you doing this to our family? Artista kami, oo. Open book ang aming buhay pero never akong nakipag-away sa ganito, that is not me. Hindi kami gano'n,” pagbabahagi niya.
Sinagot din ni Zoren ang rumors tungkol sa pagiging magulang nila ni Carmina sa kanilang mga anak.
“Mali doon sa mga balita na very sakal 'tong dalawa. No way,” paglinaw niya.
Sinabi naman Sparkle actress na pinalaki siya at ang kanyang kapatid nang maayos ng kanilang mga magulang.
“I think my parents, our parents, raised us perfectly, as I would say,” ani Cassy.
Ayon naman kay Carmina, hindi nila mababantayan ang kanilang mga anak palagi dahil kailangan sila ma-expose sa totoong mundo. Ibinahagi rin ng batikang aktres na isa siyang nerbyosang ina.
Aniya, “Nerbyiosa akong nanay. Kumbaga parang ako na lang ang masaktan, 'wag na kayo.”
Nilinaw rin ni Mavy na habang ipinapaalam pa rin nila sa kanilang mga magulang ang mga gagawin nila bilang paggalang, pero hindi sila inoobliga ng kanilang mga magulang na ipaalam ang kanilang bawat ginagawa.
“Sa lahat ng tao na nagsasabi na bawat galaw namin ay pinapaalam po namin kay Mama, hindi na. We just let them know, both of them. It's just respect,” paliwanag niya.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video sa ibaba.
RELATED GALLERY: Stellar cast ng 'Hating Kapatid,' ipinakilala sa media conference













