Fast Talk with Boy Abunda

Lella Ford, hindi namana ang pagiging marupok ni Karla Estrada

GMA Logo Lella Ford, Karla Estrada
Fast Talk with Boy Abunda

Photo Inside Page


Photos

Lella Ford, Karla Estrada



Hindi lingid sa kaalaman ng marami na nahiwalay si Karla Estrada sa ama ng kaniyang mga anak, kabilang na ang mga ama nina Daniel Padilla at Lella Ford. Ngunit paglilinaw ng aktres, hindi niya kailanman siniraan ang mga ito sa kanila.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, March 11, ibinahagi ni Lella na sa kabila ng hiwalayan ng kaniyang mga magulang, nanatili pa rin siyang malapit sa kaniyang ama.

“Lahat po, 'yung pagiging extreme ko po, lahat po ng pagiging adventurous ko, I feel like sa dad ko po lahat nakuha. Siya po 'yung nagturo sa 'kin lahat ng mga extreme sports ko--firing, martial arts, everything. I'm really just so grateful for him po,” sabi ni Lella.

Pagpapatuloy pa ng young actress, hindi naman nawala ang kaniyang ama sa buhay niya at lagi itong nandiyaan tuwing kinakailangan niya ng suporta nito.

“Yes, we didn't live in sa isang bahay lang po, pero lagi naman po siya nandiyaan, especially sa mga times na importante, nandiyaan po siya,” sabi ni Lella.

Pinuri din ni King of Talk Boy Abunda si Karla sa hindi nito paninira sa mga ama nila.

Tingnan ang kwento nina Karla at Lella sa gallery na ito:


Family
Pasanin
Heartaches
Hard questions
Open conversations
Struggles and respect
Lessons in love
Walls
Similarities
Striving for their dreams

Around GMA

Around GMA

Teacher shot dead by motorcycle-riding gunmen in Pangasinan
Jinggoy, Bonoan plunder complaint submitted for resolution — DOJ
Check out the headshots of this year's Mister Pilipinas Worldwide pageant