LGBTQIA+ youth, magtutulungan sa pagharap sa mental health issues sa '#MPK'

Mga isyung kinaharap ng LGBTQIA+ youth ang tampok sa brand-new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "What Matters Most," kuwento ito nina Drei at Randell na magkasamang haharapin ang mental health issues, diskriminasyon, at problema sa pamilya.
Bumukod si Drei sa kanyang pamilya dahil pisikal na nananakit ang kanyang stepfahter at hindi ito magawang iwan ng kanyang nanay na si Marina.
Mapagmahal naman ang pamilya ni Randell pero hindi tanggap ng mga ito ang kasarian ng anak.
Sina Drei at Randell ang magbibigay ng suporta sa isa't isa kaya mula sa pagkakaibigan, magiging magkasintahan ang dalawa.
Haharap sila sa matinding pagsubok nang ma-diagnose ni Randell ng stage 4 colon cancer. Paano ito malalagpasan nina Drei at Randell?
Abangan ang brand-new episode na "What Matters Most," February 3, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






