Fast Talk with Boy Abunda
Lian Paz, nahirapang pagkatiwalaan ang pakikipag-ayos ni Paolo Contis

Hindi umano naging madali ang pagkakaayos ng dating mag-asawa na sina Paolo Contis at Lian Paz. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, sinabi ng dating dancer-actress, matagal ang naging proseso ng pag-aayos nila.
“Nag-reach out siya matagal na, so quiet lang naman talaga kami. Kasi 'yun nga, I'm out of the limelight already, hinintay ko rin naman na mag-heal ako,” sabi ni Lian patungkol kay Paolo.
Kalaunan ay nakita naman niya ang sinseridad at efforts ni Paolo kaya sa huli, ay pinagbigyan nila ang aktor. Pagbabahagi ni Lian, imbis na sa kaniya unang mag-message ang aktor, una itong nag-reach-out sa asawa niyang si John Cabahug.
Alamin ang kwento ng reconcilliation nina Paolo at Lian sa gallery na ito:









