Family

Lian Paz, Paolo Contis, wala pa sa stage ng co-parenting

Photo Inside Page


Photos

Paolo Contis with his family



Patuloy na bumubuti ang relasyon ni Paolo Contis sa kaniyang dating asawa na si Lian Paz, at maging sa asawa nito na si John Cabahug. Ngunit pag-amin ng dating dancer, wala pa rin sila sa estado ng pag-co-parent sa mga anak nilang sina Xalene at Xonia.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, ibinahagi ni Lian na sa kabila ng magandang relasyon niya, ni John, at nina Xalene at Xonia ay wala pa sila ngayon ni Paolo sa co-parenting stage.

“We're just enjoying the fact na we are friends right now—taking things slowly, one step at a time,” sabi ni Lian.

Sa ngayon ay mas gumaganda pa ang relasyon ni Paolo kina Lian at John, at sa mga anak niyang sina Xalene at Xonia. Sa katunayan, si John pa nga ang naging tulay ni Paolo para magkaayos sila, at makita ang mga anak.

“He communicated with John through Instagram. Tapos nu'ng una, parang hesitant pa kami, of course, because showbiz nga, ganiyan, and I'm keeping the kids talaga away from the media, magkaroon ng problema,” sabi ni Lian.

Pag-amin pa ng dating dancer, nahirapan silang magtiwala sa aktor noong una. Naging protective pa nga si John kina Lian at sa mga bata at ayaw nitong magulat ang mga anak nila sa sitwasyon.

Related gallery: Lian Paz and her longtime partner John Cabahug are married

Ngunit nakita naman ni Lian ang sinseridad at efforts ni Paolo para sa kanilang mga anak kaya kalaunan, nagdesisyon na sila ni John ipaalam at papiliin sina Xalene at Xonia.

“Actually, desisyon po namin ni John. We decided to let the kids know already, and we asked them, of course, kung sila mismo, ready na,” sabi ni Lian.

Pagpapatuloy pa niya, “Ayokong makita at masabi ng mga anak ko na hindi ako marunong magpatawad. So pinakita ko sa kanila na 'Girls, hindi perpekto ang papa n'yo, ganu'n din si mama. But we want this family to be okay. I think everybody deserves a chance. And we prayed about this, and we know that everyone is accountable to the Lord, so let's just put it that way. Do you want to give your papa a chance?'”

At ang naging sagot ng mga bata, “Yes, of course.”

Panoorin ang panayam kay Lian sa video sa itaas.

Related gallery: The lovely blended family of Lian Paz and John Cabahug


Paolo and his daughters
Family
Lian and John
Boodle fight
Bonding moments
Sulit 
Enjoying their moments
Xonia
Food trip
Proud dad

Around GMA

Around GMA

Off The Record: Throwback time! NIOR reacts to their old photos
Hikers rescued after getting lost on mountain in Pangasinan
Blue Ribbon to reco Ombudsman be allowed to deputize private lawyers as prosecutors — Lacson