Fast Talk with Boy Abunda
Lianne Valentin, Benjamin Alves, paano inaatake ang kanilang kontrabida at leading man roles?

Sa pagiging isang artista, hindi maiiwasan ang ma-stereotype sa isang uri ng role. Katulad na lamang ni Lianne Valentin, na madalas gumaganap bilang isang kontrabida; at ni Benjamin Alves, na kilala sa kaniyang leading man roles.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 15, tinanong ni King of Talk Boy Abunda ang 'Akusada' actors kung paano nila binabago ang pagganap sa kanilang roles.
Dahil madalas gumanap ng specific roles, maaaring makita ng mga manonood ang dating karakter na ginampanan nila sa kanilang bagong roles.
Alamin sa gallery na ito kung papaano binibigyang-buhay nina Lianne at Benjamin ang mga karakter na ibinibigay sa kanila:









