Liezel Lopez and Jeffrey Santos share their views about marriage

Nagbahagi ng kani-kanilang saloobin sina Sanggang Dikit FR stars Liezel Lopez at Jeffrey Santos tungkol sa kasal sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 14.
Sa naturang Afternoon Prime Talk Show, ibinalita ni King of Talk Boy Abunda na ikinasal na ang Kapuso couple na sina Shaira Diaz at EA Guzman matapos ang 12 taon sa kanilang relationship.
Kaya naman, deretsahang tanong ng batikang host, “Deretsang tanong, ikaw ba, Liezel, are you getting married in the next three years?”
Sagot ng aktres, “In God's time po, si Lord na po ang bahala diyan at sa mahal ko.”
Dito ay inamin na rin ni Liezel na meron na siyang boyfriend na non-showbiz. Ngunit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang aktres dahil mas gusto niyang panalitihing pribado muna ito.
Tingnan sa gallery na ito kung ano pa ang saloobin nina Liezel at Jeffrey tungkol sa kasal:









