Liezel Lopez, naging third party nga ba noon sa relasyon nina Kristoffer Martin at Acel Banzon?

GMA Logo Liezel Lopez
Source: kristoffermartin_ (Instagram)

Photo Inside Page


Photos

Liezel Lopez



Nilinaw ng aktres na si Liezel Lopez ang isyung kumalat noong 2020 tungkol sa naging pang-aagaw niya 'di umano sa aktor na si Kristoffer Martin sa asawa nito ngayon na si Acel Banzon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Miyerkules, sumalang sa isang interview si Liezel upang i-promote ang kanyang first lead role na primetime serye kasama sina Jasmine Curtis-Smith, at Rayver Cruz na Asawa Ng Asawa Ko.

Hindi naman sadyang may pagkakatulad sa kuwento ng serye ang isa sa naging mga tanong ng batikang TV host kay Liezel kung saan ipinaklaro ni Boy Abunda ang isyu na pagiging third party 'di umano ng aktres sa relasyon nina Kristoffer at Acel.

“Naakusahan ka na nagkaroon ng overlap kayo ni Kristoffer Martin with his wife now. Patawad, Kristoffer and your wife, sa tanong na ito. Pero gusto ko lang malinawan, ano ang nangyari? Nagkaroon ba talaga ng overlap kasi inakusahan kang nang-agaw ka?” tanong ni Boy kay Liezel.

Agad naman itong sinagot ng kontrabida actress. Aniya, “Kung ako po ang tatanungin, hindi po. Pero kung may natutunan po ako doon, siguro 'yung dapat totoo, sinasabi. Pero hindi ko na po kasi talaga kuwento 'yun. Pero, tungkol po doon sa tanong ninyo, 'Hindi' po ang sagot ko.”

Dagdag pa ni Liezel, “Unang-una po sa lahat, hindi po ako nang-aagaw ng may asawa ng may asawa.”

“At dahil diyan, abangan n'yo po ang Asawa Ng Asawa Ko,” masayang sinabi ng aktres.

Matatandaan na nagkasama sina Liezel at Kristoffer sa GMA Afternoon Prime Series na Babawiin ko Ang Lahat noong 2021.

Hindi naman naging klaro ang tunay na relasyon noon nina Liezel at Kristoffer. Noong February 2022, ikinasal si Kristoffer sa ex-girlfriend niya noon na si Acel. Sila ay may anak na babae na si Precious Christine o Prè.

Take a look at some of Liezel's sizzling beach photographs in this gallery:


Hot 
Summer 
Style 
Figure 
Return To Paradise
Eyes 
Pose 
Chill
Heat 
Mermaid realness
Crochet
Sexy back
Crystal
Colorful
Relaxed

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026 fluvial procession brings the Sto. Niño from Mactan to Cebu
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure