List of movies on I Heart Movies (May 6-12)

Love stories ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Kabilang diyan ang Without You na pinagbidahan nina David Licauco at Shaira Diaz.
Si David ay si Axel, isang DJ sa club, habang si Shaira naman ay si Ria, isang call center agent.
College sweethearts ang dalawa at maagang magsasama sa iisang bubong kahit tutol dito ang kanilang mga pamilya.
Bukod sa Without You, mapapanood rin ngayong linggo ang pelikulang Batanes na pinagbidahan nina Iza Calzado at F4 member Ken Chu.
Kuwento ito ni Pam, role ni Iza, isang Manila girl na ma-i-in love sa Ivatan na si Rico, played by Joem Bascon. Iiwan niya ang buhay sa Maynila at sasama siya kay Rico sa Batanes para magpakasal at magsimula ng sarili nilang pamilya.
Isang araw, hindi nakauwi si Rico mula sa pangingisda. Maiisip ni Pam na umuwi na lang sa Maynila ngayong wala na ang kanyang asawa.
Pero bigla niyang matatagpuan ang Taiwanese na si Kao, ang karakter ni Ken, na walang malay sa isang isla. Aalagaan niya si Kao kahit na hindi ito tanggap ng kanilang pamayanan dahil karaniwang illegal fishers ang mga Taiwanese sa Batanes.
Narito ang buong listahan ng mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong May 6 hanggang 12:






























