'Little Miss Diva' Althea Ruedas, isa nang award-winning child actress

GMA Logo Althea Ruedas
Photo entries: @althearuedas on Instagram

Photo Inside Page


Photos

Althea Ruedas



Itinanghal si Althea Ruedas bilang Pinakapasadong Batang Aktres sa 25th Gawad Pasado Awards na ginanap kamakailan. Ito ay para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang Doll House.

https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/eat_bulaga/17053/get-to-know-little-miss-diva-grand-winner-althea-ruedas/photo

Ayon kay Althea, hinding-hindi niya malilimutan ang pelikulang ito dahil “it's my first time riding an airplane, two day before my birthday.”

Nakausap ng GMANetwork.com at ilang piling entertainment media si Althea kamakailan. Dito, nabanggit din niya kung gaano sila kasaya sa set kasama ang bidang aktor na si Baron Geisler.

“Tinutulungan niya rin po ako kapag nahihirapan po ako.'Tapos, dahil nga po nasa ibang bansa kami, kapag rest day naglilibot-libot kami roon kasama si Tita Jamie, his wife.”

Ang Doll House, na kinunan sa bansang Netherlands, ay concept story ng Kapuso actress na si Faye Lorenzo.

https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/94486/concept-story-ni-faye-lorenzo-na-doll-house-kasama-si-baron-geisler-nananatiling-trending-sa-netflix/story

Samantala, seryosong-seryoso si Althea sa kanyang acting career.

Sa panayam ng press sa kanya, sinabi ng 10-year-old actress na hinahanap-hanap daw ito talaga ng kanyang katawan.

“Masaya po kasi gustung-gusto ko po talaga siya. Kasi, kapag wala po akong shooting, medyo hinahanap po ng katawan ko. Dati po, noong wala akong shooting, sabi ko kay mama, 'Mama, maghanap ka nga po ng maso-shooting-an.'”

Kaya naman tinanong ng GMANetwork.com kung nakararamdam din siya ng pagod sa trabaho.

Nakangiting sagot ni Althea, “No po, kasi ganun talaga ako kapag gusto ko, hindi ako napapagod.”

Dagdag pa niya, “Kapag gusto ko po. Hindi po ako napapagod. Kahit yung from 6 a.m. kahit hanggang 6 a.m. po ng kinabukasan ulit kaya ko po yan. Basta po gusto ko yun."

Kaugnay nito, aminado si Althea na minsan ay nahihirapan siyang gawin ang isang eksena. Pero hindi raw siya napanghihinaan ng loob. Sa halip, mas nagpupursige pa raw siyang mapabuti ang kanyang trabaho.

“May mga times po kasi hindi naman po yun mawawala. Pero as people say, practice makes perfect. Makaka-improve po ako sa mga ginawa ko po na yun. Alam ko na po yung dapat at hindi dapat gawin sa acting po; and kung ano yung dapat at hindi dapat isipin,” paliwanag niya.

Bagamat napapadalas ang kanyang acting project, hindi naman daw napapabayaan ni Althea ang talento niya sa pagkanta, na nagpanalo sa kanya sa dating singing competition sa Eat Bulaga na “Little Miss Diva.”

“Habang nasa set po ako, kanta ako nang kanta, yung kung ano lang ang naisip kong kantahin, kakantahin ko na po.”

Sa ngayon, abala si Althea sa pagpo-promote ng pelikula niya kasama si Jerald Napoles, ang Instant Daddy.

KILALANIN PA SI ALTHEA SA GALLERY NA ITO:


Gawad Pasado
Child actress
Baron Geisler
More recognition
Little Miss Diva
Work and play
Actress
Singer
Instant Daddy
Loving show business

Around GMA

Around GMA

Shear line, amihan to bring cloudy skies, rains over parts of Luzon, Visayas
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap