Lola Amour, binalikan ang kuwento ng kanilang hit single na 'Raining in Manila'

Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao sa hit single ng OPM band na Lola Amour na “Raining in Manila.” Sa katunayan, nagkaroon na ito ng maraming covers at na-parody na rin ni comedy genius Michael V. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, hindi isang love song ang naturang awit.
Sa pagbisita nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 22, ikinuwento ni Pio Dumayas, ang lead guitarist at vocalist ng banda, ang kuwento sa likod ng kanta.
Pagbabahagi ni Pio, “I guess we wanted to make a song that reflected 'yung ano natin, nu'ng pandemic, nu'ng nag-alisan 'yung mga kaibigan namin. So that song is about our friends who left the country in pursuit of a better life.”
Tinanong din ng batikang host kung paano naman naging titulo ng kanta ang “Raining in Manila”.
Alamin ang naging sagot ng Lola Amour sa gallery na ito:









