Sabi nga there is nothing constant in this world except change.
Pinatunayan ng celebrities na ito na walang imposible kung yayakapin nila ang pagbabago sa kanilang sarili.
Ilang celebrities ang matapang na hinarap ang kanilang pagbabago. Hinangaan sila sa ginawa nilang aksyon at nagdulot pa ng pag-asa para sa marami.
Kilalanin ang mga inspiring personalities na ito.
Way to go, Jen Rosendahl! The 'Pepito Manaloto' star shared her fitness journey when she showed a before and after photo of herself on Instagram. The sexy star-turned-comedienne stressed that discipline is the key to achieve your fitness goal. Jen explained, "I believe in discipline... It was hard at first specially adjusting my diet, my goodness I love to eat but once you see even just a little result, it will push you harder."
On her Instagram post, GMA showbiz reporter Cata Tibayan shared that she lost 16 lbs. in just four months.
'Sahaya' actor Migo Adecer went from cutie to hunk status when he trained with celebrity fitness coach Gov Lloyd.
Sunshine Cruz reminded her followers that strong is the new sexy. The actress was at 108 lbs. in 2014, and is happier and stronger now at 125 lbs.
Ibinahagi ng singer-actor na si Nar Cabico ang kanyang inpsiring na transformation sa kanyang Instagram followers. Kuha ang larawan sa kaliwa noong November 2018 samantalang kuha naman ngayong April 2019 ang nasa kanan.
Na-achieve ng Madrasta actor na si Juancho Trivino ang goal niyang healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang, na umabot sa mahigit 30 lbs., sa loob ng isang taon. Ngayon, isa na siyang celebrity endorser ng kilalang local clothing brand.
Walang imposible basta may sipag at tiyaga. Ito ang pinatunayan ni Diego Loyzaga nang ma-achieve niya ang pinapangarap niyang summer bod.
Nagbida sa mga gay movies ang sexy actor na si Kenjie Garcia. Pero ngayon, isa na siyang propesor sa isang kolehiyo sa Bulacan.
Nakalaya na ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos siyang makulong nang dahil sa marijuana. Magkakaroon pa siya ng reunion project kasama ang ex-girlfriend na si Claudine Barretto.
Maraming nagulat sa pagpayat ng director at theater actress na si Mae Paner o mas kilala sa pangalan na Juana Change matapos siyang sumailalim sa Ketogenic diet. Mula 40 ay bumaba na sa 28 inches ang sukat ng kanyang bewang.
Isa nang ganap na transman ang international singing sensation na si Charice Pempengco. Pinalitan na rin niya ang kanyang pangalan ng Jake Zyrus.
Ayon kay actor/politician Jolo Revilla, umabot ang kanyang timbang sa 217 lbs. noong nakaraang taon. Naibaba naman niya ito sa 158 lbs. ngayon.
Naging inspirasyon ni Bearwin ang pagkamatay ng kanyang ama para magsimulang baguhin ang kanyang unhealthy lifestyle. Mula 39 inches, 32 inches na lang kanyang bewang ngayon.
Handa na sa mas mature na roles ang aktor na si Renz Valerio.. Iniwan na niya ang kanyang sweet image matapos magpalaki ng katawan.
Matapos manganak noong Oktubre nang nakaraang taon, sumabak kaagad si Michelle Madrigal sa isang eight-week transformation challenge. Hindi lang siya fit at sexy ngayon, lumakas din ang kanyang pangangatawan.
Naging isa sa mga #fitnessgoals din ang TV host na si Lyn Ching matapos niyang mapagtagumpayan ang pagbabawas ng timbang sa kabila ng ilang paghihirap. Ayon sa 'Unang Hirit' host, pina-practice niya ang intermittent fasting and regular din siyang nag-eehersisyon sa gym.
Nagbagong-buhay na rin ang dating takaw-gulong si Baron Geisler. Ang aktor ay dumadalo ng worship services at bible studies ngayon. Ikinasal na rin si Baron kay Jamie Evangelista, isang psychologist, noong September 2019 sa isang civil ceremony. Noong Enero naman, nabibiyaan sila ng anak na babae, na pinangalanan nilang Talitha Cumi.
Isa ring inspirasyon ang weightloss journey ng GMA News reporter na si Darlene Cay. Simula 2014, mahigit 46 lbs ang nabawas sa kanyang timbang.
Nagbunga na ang mga paghihirap ng actress-vlogger na si Melissa Ricks para mabawasan ang timbang. Mula sa XXL size, ngayon ay nasa L na lang ang kanyang mga damit. Taong 2015 nang isilang ni Melissa ang kanyang anak na si Keira Kelly.
Singer-songwriter Sam Hashimoto revealed in an exlcusive interview with GMANetwork.com that he decided to focus on his fitness because he was bullied before as a kid because of being fat. "I thought to myself, 'If I can't really work on what's going on with me inside, maybe if I change how I feel about myself on the outside, eventually, [how I feel] inside will catch up.' So I really used working out, health, and fitness as therapy."
Kung hirap kayo sa pagpapayat, gawin fitness inspiration ang dating 'HOT T.V.' host na si Raymond Gutierrez. Tinatawag na fitspiration nang marami si Raymond, na malaki ang nabawas sa timbang dahil sa kanyang disiplina sa pagwo-work out.
Kung nakaya ng StarStruck avenger na si Stef Prescott na mag-lose ng weight, kaya n'yo rin! Malapit na sa dream bod niya si Mommy Stef na nakapagbawas na ng mahigit 50 lbs.
Ginulat ng Fil-Am Hollywood actor na si Jacob Batalon ang kanyang mga fans pagkatpos niya ipasilip ang kanyang slimmer figure sa isang Instagram post sa araw ng kanyang 24th birthday noong October 9. Umani na ang post ng mahigit na 118,000 likes.