LOOK: 'Agimat ng Agila Season 2's behind-the-scenes photos

Sa pagbabalik ng fantasy-action drama na Agimat ng Agila, muling matutunghayan ang kwento ng isang matapang na forest ranger na mabibiyayaan ng kapangyarihan mula sa isang mahiwagang agila.
Makakasama muli ng forest ranger na si Major Gabriel Labrador (Ramon “Bong” Revilla Jr.) sa kanyang mga paglalakbay sina Maya Lagman (Sanya Lopez), Nanay Berta (Elizabeth Oropesa), at Sgt. Wesley Dimanahan (Benjie Paras), Capt. Gerry Flores (Allen Dizon). Pati na rin ang mga bagong karakter na kasama sa pakikipagsapalaran na sina (Zeus) Gardo Versoza, Art (Betong Sumaya), at Asha (Rabiya Mateo).
Abangan ang mga bagong kaganapan sa 'Agimat ng Agila' Season 2 simula ngayong January 29 na, 7:15 ng gabi sa GMA.











