Kilalanin ang mga lalaking malapit kay Heart Evangelista sa gallery na ito.
Bilang bunso, malapit si Heart sa kanyang amang si Reynaldo Ongpauco.
Unang love team partner ni Heart si John Prats sa programang 'G-Mik.' Naging magkarelasyon sila sa totoong buhay pero hindi rin ito nagtagal.
Madalas din naging leading man ni Heart si Geoff Eigenmann. Gumanap pa sila bilang ang mag-asawang Miriam at Jun Santiago sa unang episode ng 'Wagas'
Nagsimula sa teleseryeng 'Ang Panday' ang controversial love story nina Heart at Jericho Rosales. Kasal na ngayon ang aktor sa modelong si Kim Jones.
Taong 2008 nang lumipat sa Kapuso network si Heart. Ang una niyang naging leading man dito ay si Richard Gutierrez sa 'Codename: Asero.' Muli niya itong nakasama sa Philippine remake ng Koreanovelang 'Full House.'
Si Mark Anthony Fernandez naman ang naging katambal niya sa 'Luna Mystika.'
Sa drama series na 'Ngayon at Kailanman' nakatrabaho ni Heart si JC de Vera.
Dalawang beses naging onscreen partner ni Heart si Mark Herras--sa 'Langit Sa Piling Mo' at 'Luna Blanca.'
Naging co-star ni Heart si Daniel Matsunaga sa 'Langit Sa Piling Mo' bago sila nagkaroon ng romantic relationship. Tumagal lang ng six months ang kanilang relasyon dahil umano sa "cultural differences."
Bago pa sila napiling gumanap bilang Alwina at Gabriel sa 'Mulawin VS Ravena,' naging co-stars sina Heart at Dennis Trillo sa 'Dwarfina' at 'Juan Happy Love Story.'
Ang pinsan ni Geoff na si Sid Lucero naman ang naging partner ni Heart sa 'Legacy' at 'Magkano Ba Ang Pag-ibig?'
Parehong hosts ng infotainment program na 'Wattajob' sina Heart at basketball player na si Chris Tiu
Si Rocco Nacino ang naging love interest ng role ni Heart sa GMA Telebabad series na 'Beautiful Strangers.'
Isa sa close friends ni Heart ang fashion designer na si Mark Bumgarner. Noong January 2016 ay nagkaroon ng collaboration ang dalawa na pinamagatang 'Mark Bumgarner x Love Marie.'
February 15, 2015 nang ikasal si Heart kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin. Balak na daw nilang magkaanak ngayong taon.
Paborito ni Heart ang mga mamahaling Hermès bags kaya naman magkasundong-magkasundo sila ng Hermès executive na si Michael Coste.
Matalik na magkaibigan na ang turingan nina Heart at South Korean actor Alexander Lee sa isa't-isa dahil sa kanilang pinagbibidahang serye na 'My Korean Jagiya.'