LOOK: Bonding moments behind the camera of the 'Love Of My Life' stars

Kahit naging mahirap ang pagbabalik-taping ng star-studded cast ng 'Love Of My Life' dahil sa COVID-19 pandemic, buong tapang ito hinarap ng show.
Mahigpit na sinunod nang lahat ang safety at health protocols para mapangalagaan ang kalusugan at matiyak na magiging maayos ang lock-in taping nila matapos matigil ang shooting ng kanilang show ng ilang buwan.
At ngayong natapos na ang high-rating primetime drama nito lamang Marso 19, maraming fans nina Madam Isabella (Coney Reyes) Adelle (Carla Abellana), Kelly (Rhian Ramos) at Nikolai (Mikael Daez) ang hindi maiwasan ma-miss silang apat.
Heto at balikan ang bonding moments nang buong cast habang nagti-taping under the new normal sa gallery sa ibaba.










