LOOK: Boarders ng mga Otogan, bigo makauwi

Holiday season, pero mukhang magiging mapait ang karanasan ng mga boarders ng Otogan family.
Excited na sa pag-uwi sina Prince (Prince Clemente), CJ (Carlo San Juan), at Prince (Prince Carlos) para mag-celebrate ng Pasko.
Pero babalik sila sa apartment nang luhaan dahil hindi na matutuloy ang kanilang pagbiyahe.
Paano makatutulong sina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza) na maisalba ang Pasko ng tatlong boys?
I-celebrate ang New Year with the whole family sa panonood ng 'Daddy's Gurl' sa oras na 8:45 p.m., pagkatapos ng '#MPK' ('Magpakailanman') ngayong December 31.




