LOOK: Celebrities at personalidad na nag-positibo sa gitna ng COVID-19 surge

GMA Logo Celebrities who got positive for COVID19

Photo Inside Page


Photos

Celebrities who got positive for COVID19



Tila bumaliktad ang mundo ng marami sa Pilipinas, lalo na sa Metro Manila at mga karatig probinsya nito, nang biglang sumipa ang kaso ng COVID-19 infection sa buwan ng Marso 2021.

Mula sa average na 2,000 cases per day, nakapagtala ng 3,276 new COVID-19 cases ang Pilipinas noong March 7 at patuloy ang mabilis nitong pag-akyat. Base sa datos naman na nakalap ng GMA News Research mula sa adjusted Department of Health (DOH) Data Drop, record high ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 noong April 2 na umabot ng 15,296 cases.

Sa pagsapit ng April 26, lumagpas na sa 1 million ang kabuuang bilang ng COVID-19 infection sa bansa.

At simula August hanggang September ay nakaranas na naman ng panibagong surge ng new COVID-19 cases. Sa katunayan, nitong September 11 lamang ay nakapagtala ng highest single-day tally ng new COVID-19 cases sa bansa, na pumalo sa 26,303.

Nabalot din ng takot ang mundo ng showbiz matapos ang sunod-sunod na balita ng celebrities na tinamaan ng COVID-19.

Isa sa pinaka-prominenteng tao na nagkasakit ay ang actor-turned-politician na si Erap o si former President Joseph Estrada.

Umabot sa pagkaka-confine si Erap sa intensive care unit at kinailangan ng mechanical ventilator para matulungan sa paghinga matapos magkaroon ng pneumonia.

Nagulat din ang fans ni Glaiza De Castro nang kumpirmahin nito na nag-positibo siya sa naturang sakit at siya ay asymptomatic. Sa kabutihang palad ay natapos na ni Glaiza ang mandatory isolation at nag-negatibo na sa coronavirus.

Ngayong 2022, muling tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa at ilang personalidad ang nag-positibo sa virus gaya na lamang nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, volleyball star Alyssa Valdez, Filipino-Canadian content creator Mikey Bustos, at ang kanyang partner na si RJ Garcia.

Ayon sa report ng GMA News, mayroong 26,458 na kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong January 8, 2022.

Heto pa ang ilang sikat na personalidad na dumaan ngayon sa matinding pagsubok at napabilang sa libo-libong Pilipino na naging biktima ng mabilisang paglaganap ng COVID-19.

Heto pa ang ilang sikat na personalidad na dumaan ngayon sa matinding pagsubok at napabilang sa libo-libong Pilipino na naging biktima ng mabilisang paglaganap ng COVID-19 simula Marso 2021.


Erap
Angelica Jones
Heaven Peralejo
K- Brosas
Bo Sanchez
Ahron Villena
Rhian Ramos
Glaiza de Castro
Angeline Quinto
Angeli Pangilinan
Sunshine Cruz
Dennis Padilla
Cheryl Cosim
Bernadette Sembrano
Raymond Bagatsing
Tony Labrusca
Nikki Valdez
Barbie Imperial
Keempee de Leon
Rica Peralejo
Tom Rodriguez
Shamcey Supsup
Miguel Tanfelix
Kim Domingo
Love Añover
Pia Wurtzbach
Alyssa Valdez 
Mikey Bustos and RJ Garcia 

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo