LOOK: Celebrities mourn the death of Cherie Gil

Puno ng mensahe ng pagmamahal at pag-alala ang showbiz industry sa pagpanaw ni Cherie Gil.
Pumanaw na ang mahusay na aktres nitong August 5 sa edad na 59 years old.
Nakilala si Cherie bilang isa sa mga pinakamahusay at isang award-winning actress sa showbiz. Si Cherie, Evangeline Rose Gil Eigenmann sa totoong buhay, ay binansagan bilang Philippines' La Primera Contravida.
Narito ang ilang sa mga personalidad na nagbigay pugay kay Cherie Gil.


























