Kilalanin ang mga sikat na celebrities na proud Batangueño sa gallery na ito.
'StarStruck' alumna Jade Lopez.
Taga-Tanauan, Batangas si Jade Lopez.
Multi-awarded Kapuso actress Therese Malvar
Great grandfather ni Therese ang revolutionary general na si Miguel Malvar, naTubong Santo Tomas, Batangas. Noong 2015, nakasama si Therese sa selebrasyon ng 150th birthday ng kanyang Lola Miguel.
'StarStruck' Season 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon.
Proud na anak ng Balayan, Batangas ang Kapuso cutie na si Kim de Leon.
Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas.
Proud Batangueña ang award-winning comedienne, na mula sa San Luis at Calatagan.
'Eat Bulaga' host Ryan Agoncillo.
May dugong 'Ala Eh' si Ryan Agoncillo, na hometown ang Rosario, Batangas. Ang kanyang lola ay isang lawyer at ang pamilya nila ay nasa pulitika.
Sumikat sa kanyang mga Batangueño character ang veteran actor/director na si Leo Martinez.
Tulad ni Kim de Leon, taga-Balayan din si Leo.
'Happy ToGetHer' actor Jayson Gainza.
Taga Tanauan, Batangas din ang Kapamilya comedian na si Jayson
Actress/ politician Vilma Santos-Recto.
Beterano pagdating sa pulitika ang 'Star for All Seasons' sa probinsya ng Batangas. Una siyang nagsilbi bilang Lipa City mayor at nanalo din bilang gobernador. Noong 2019 elections, nanalo siya ng second term bilang 6th district representative ng Batangas.