LOOK: Celebrities na nakilala si Atty. Lilet Matias

Sa mahigit 200 episode ng GMA Afternoon Prime series na 'Lilet Matias, Attorney-At-Law,' maraming kaso ang hinawakan ni Atty. Lilet Matias (Jo Berry) na nakatulong sa mga taong lumapit sa kanya.
Ang unang kaso ni Atty. Lilet ay ang custody case nina Monica Umni (Camille Prats) at Nymia Ozdemir (Maybeline Dela Cruz).
Napanood rin sa 'Lilet Matias, Attorney-At-Law' ang Superstar na si Nora Aunor bilang si Charito Mercado, isang inang inako ang kasalanan ng anak na nasa autism spectrum.
Nagsilbi itong reunion nina Jo, Nora, at Mikee Quintos, ang gumanap bilang anak ni Charito na si Langgay. Una silang nagkasama sa 'Onanay.'
Bukod sa kanila, balikan kung sinu-sinong artista ang napanood sa 'Lilet Matias, Attorney-At-Law' sa mga larawang ito.



























