advertisement
TV

LOOK: Celebrities na nakilala si Atty. Lilet Matias

1 of 28

Gina Alajar

Isa ang batikang aktres na si Gina Alajar sa mga unang nag-guest sa 'Lilet Matias, Attorney-At-Law' bilang si Judge Liberty Villaroman.

2 of 28

Camille Prats

Ginampanan ni Camille Prats si Monica Umni, ang unang naging kliyente ni Atty. Lilet Matias.

3 of 28

Maybeline Dela Cruz

Si Maybeline Dela Cruz naman ang gumanap na Nymia Ozdemir, ang kabilang kampo sa unang kaso ni Lilet.

advertisement
4 of 28

Bodjie Pascua

Ginampanan ni Bodjie Pascua si Lolo Isko, ang aksidenteng nabangga ni Aera (Analyn Barro).

5 of 28

Boboy Garrovillo

Si Judge Zopronio Azala, ang hukom sa kaso ng murder case ni Tinang Ces (Glenda Garcia), ang ginampanan ni Boboy Garrovillo.

6 of 28

Max Collins

Ang abogado ni Trixie (Zonia Mejia) sa rape case niya laban kay Inno (Joaquin Domagoso) na si Atty. Katarina Almodal ang karakter ni Max Collins.

advertisement
7 of 28

Odette Khan

Ang hukom sa Engano Rape Case ay si Judge Serafina Agustin, na ginampanan ng beteranang aktres na si Odette Khan.

8 of 28

Nora Aunor

Nag-reunite rin sina Jo Berry at Nora Aunor sa 'Lilet Matias, Attorney-At-Law' nang maging guest star ang Superstar bilang si Charito Mercado.

9 of 28

Mikee Quintos

Ang anak ni Charito Mercado na si Langgay, na nasa autism spectrum, ang ginampanan ni Mikee Quintos. Inako ni Charito ang hindi sinasadyang pagpatay ni Langgay sa kanyang asawang si Karding.

advertisement
10 of 28

Royce Cabrera

Si Royce Cabrera ang gumanap na Karding, ang asawa ni Langgay.

11 of 28

Rocco Nacino

Tampok sa concubinage case si Rocco Nacino bilang si Samson Guerrero.

12 of 28

Winwyn Marquez

Si Winwyn Marquez ang gumanap na asawa ni Samson na si Feliz at siyang nagsampa ng kasong concubinage.

advertisement
13 of 28

Lianne Valentin

Si Lianne Valentin ang gumanap bilang si Aila Ocampo, ang pinagbibintangan ni Feliz na kabit ng asawa niya.

14 of 28

Kristoffer Martin

Ang hindi alam ni Feliz, ang totoong kabit ng asawa niya ay ang kapatid ni Aila na si Genesis, na binigyang-buhay ni Kristoffer Martin.

15 of 28

Arra San Agustin

Ang aktres na si Estar Valencia ang karakter ni Arra San Agustin. Lumapit siya kay Atty. Lilet para sa kustodiya ng kanyang tinatagong anak.

advertisement
16 of 28

Jon Lucas

Si Jon Lucas si Kenneth, ang ama ng anak ni Estar. Si Kenneth ang nagpalaki sa kanilang anak kasama ng kanyang partner.

17 of 28

Bibeth Orteza

Ang hukom na si Judge Marcelina Legaspi ang ginampanan ni Bibeth Orteza. Si Judge Marcelina ang naging hukom sa murder case ni Atty. Meredith Simmons (Maricel Laxa-Pangilinan) kung saan si Lilet (Jo Berry) ang napagbintangan.

18 of 28

Matet de Leon

Ang ginampanan ni Matet de Leon ay si Ella Tobias, ang naging kaibigan ni Lilet sa loob ng kulungan. Nang mapunta sa Public Attorney's Office si Lilet, tinulungan niya si Ella sa kaso nito.

advertisement
19 of 28

Geneva Cruz

Ang nakatatandang babaeng kapatid ni Atty. Kurt Ignacio (EA Guzman) na si Maxine ang ginampanan ni Geneva Cruz.

20 of 28

Rhian Ramos

Sa kaso ng lupa, ginampanan ni Rhian Ramos si Mia, ang bunso sa magkakapatid.

21 of 28

Allen Dizon

Si Allen Dizon ang gumanap bilang Tomas, ang panganay sa magkakapatid.

advertisement
22 of 28

Rodjun Cruz

Si Rodjun Cruz ay si Ramon, ang gitna sa magkakapatid.

23 of 28

Gelli de Belen

Gumanap si Gelli de Belen bilang si Elisa, ang legal na asawa ng lalaking may anak sa labas.

24 of 28

Vaness Del Moral

Si Vaness Del Moral naman ang gumanap bilang Pia, ang ina ng anak sa labas ng namayapang asawa ni Elisa. Nagsampa ng kaso si Pia para sa pamanang iniwan sa kanyang anak.

advertisement
25 of 28

Rafael Rosell

Ang abogado ni Atty. Renan (Tom Rodriguez) na si Atty. Alex Romantico ang karakter ni Rafael Rosell. Si Atty. Alex ang abogado ni Atty. Renan sa sinampang kaso sa kanya laban sa pagpatay kay Atty. Meredith.

26 of 28

 Janice de Belen

Si Janice de Belen naman ang gumaganap bilang si Atty. Clarisse Zamora, ang abogado ni Patricia Engano (Sheryl Cruz).

27 of 28

Kylie Padilla

May espesyal na partisipasyon rin si Kylie Padilla sa finale episode ng 'Lilet Matias, Attorney-At-Law' na mapapanood sa Sabado, February 8.

advertisement
28 of 28

Dingdong Dantes

Ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes naman ang gaganap bilang si President Frederico Macalintal. Ano kaya ang koneksyon ni President Frederico kay Lilet?

Around GMA