advertisement
TV

LOOK: Celebrity guests star in 'Abot Kamay Na Pangarap'

1 of 34

Lianne Valentin

Ang former Apoy Sa Langit actress na si Lianne Valentin ay napanood sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Risa, ang buntis na tinulungan nina Dra. Analyn (Jillian Ward) at Dra. Zoey (Kazel Kinouchi) nang dukutin sila ng mga armadong lalaki habang nasa isang medical mission.

2 of 34

Anjo Damiles

Ang Kapuso hottie na si Anjo Damiles ay napanood sa serye bilang si Oscar, ang salbaheng asawa ni Risa (Lianne Valentin).

3 of 34

Patricia Coma

Napanood ang Sparkle artist na si Patricia Coma bilang si Grace, ang matalik na kaibigan ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

advertisement
4 of 34

Joyce Ching

Ang aktres na si Joyce Ching ay napanood sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Faith, ang kapatid ni Grace (Patricia Coma).

5 of 34

Shaira Diaz

Ang Kapuso star na si Shaira Diaz ay napanood bilang si Olive, ang anak ng lalaking nabulag dahil sa isang aksidente.

6 of 34

Dr. Alvin Francisco

Ginampanan ng content creator na si Dr. Alvin Francisco ang role ng isang sikat na doktor sa serye.

Naka-eksena niya rito ang isa sa lead stars ng serye na si Jillian Ward.

advertisement
7 of 34

Dr. Kilimanjaro Tiwaquen

Isa sa mga pinag-usapan sa social media ay ang appearance ng content creator na si Dr. Kilimanguru sa serye.

Noong una ay inakala ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) na masungit siya ngunit isa rin pala siyang mabait na doktor.

8 of 34

Jan Marini

Ang aktres na si Jan Marini ay napanood bilang kapitana. Sa barangay na kaniyang pinamumunuan dinukot ang APEX doctors na sina Dra. Analyn (Jillian Ward), Dra. Zoey (Kazel Kinouchi), at Dr. Luke (Andre Paras).

9 of 34

Jon Lucas

Si Jon Lucas ay napanood noon bilang si Tim, isa sa mga naging pasyente ng genius doctor na si Dra. Analyn (Jillian Ward).

advertisement
10 of 34

Melissa Mendez

Minsang nakasama ni Melissa Mendez ang kaniyang anak na si Alexandra Mendez sa hit Kapuso serye. Napanood siya bilang nanay ni Tim (Jon Lucas).

11 of 34

Antonio Quiazon

Napanood si Antonio Quiazon sa serye bilang isa sa mga armadong lalaki na dumukot noon sa APEX doctors.

12 of 34

Arny Ross

Kasalukuyang napapanood ang 'Bubble Gang' star na si Arny Ross sa serye bilang si Bea, ang babaeng naging kabit noon ng asawa ni Dra. Katie Enriquez (Che Cosio).

advertisement
13 of 34

Betong Sumaya

Napapanood din ngayon sa programa ang komedyanteng si Betong Sumaya. Ginagampanan niya rito ang lalaking nasabugan ng paputok sa kamay.

14 of 34

Zonia Mejia

Ang Sparkle artist na si Zonia Mejia naman ay napapanood ngayon bilang si Jemily, ang anak ng karakter ni Betong Sumaya sa serye.

15 of 34

Samantha Lopez

Kasalukuyan ding napapanood sa serye ang aktres na si Samantha Lopez. Ginagampanan niya rito ang role ni Cherry, ang mabait na co-teacher ni Lyneth (Carmina Villarroel).

advertisement
16 of 34

Mavy at Cassy Legaspi

Noong January, napanood ang kambal na anak ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy Legaspi sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

17 of 34

Pekto 

Nakatanggap ng papuri si Pekto mula sa viewers ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' nang mapanood siya rito bilang si Elmer, ang desperadong ama ng isang batang babae na mayroong malubhang sakit.

18 of 34

Max Collins and Dion Ignacio 

Kamakailan lang, napanood sina Max Collins at Dion Ignacio sa serye bilang ang mag-asawang sina Izzy at Bart.

advertisement
19 of 34

Leo Martinez 

Kasalukuyang napapanood ang veteran actor na si Leo Martinez sa serye bilang si Mang Joselito o Lolo Pepe, ang ama ni Doc RJ (Richard Yap) at lolo ng batang doktor na si Analyn (Jillian Ward).

20 of 34

Gabby Eigenmann

Ang batikang aktor na si Gabby Eigenmann ay mapapanood din bilang guest sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.' Makikilala siya rito bilang isang sikat na chef na magiging pasyente ni Dra. Analyn (Jillian Ward).

21 of 34

Jamir Zabarte 

Kasabay ni Gabby Eigenmann, mapapanood din sa hit GMA series bilang guest actor ang Sparkle star na si Jamir Zabarte.

advertisement
22 of 34

Dina Bonnevie 

Kasakulukuyang napapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' ang seasoned actress na si Dina Bonnevie. Kilala siya rito bilang si Madam Giselle, ang nakatatandang kapatid ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap).

23 of 34

Allen Dizon 

Isa ang karakter ni Allen Dizon na si Carlos sa mga kinaiinisan ngayon ng mga manonood.

24 of 34

Raheel Bhyria 

Kabilang na sa cast ng serye ang Sparkle heartthrob na si Raheel Bhyria.

Kilala siya rito bilang si Harry, ang anak na lalaki ni Carlos.

advertisement
25 of 34

Ken Chan 

Ang Kapuso actor na si Ken Chan ay napapanood sa serye bilang si Doc Lyndon Javier.

26 of 34

Klea Pineda 

Parte na rin ng cast ng serye ang Sparkle star na si Klea Pineda. Ginagampanan niya sa serye ang role ni Justine, ang anak ni Madam Giselle.

27 of 34

Ruru Madrid 

Kamakailan lang, napanood ang major crossover ng 'Black Rider' sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Napanood sa ilang eksena sa medical drama series ang lead actor ng una na si Ruru Madrid.

advertisement
28 of 34

Empoy Marquez and Herlene Budol

Bukod kay Ruru Madrid, napanood din sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' ang Black Rider' stars na sina Empoy Marquez at Herlene Budol.

29 of 34

Gladys Reyes 

Ang seasoned actress na si Gladys Reyes ay kilala sa hit series bilang si Nushi G.

30 of 34

Pilar Pilapil

Kamakailan lang, napanood ang veteran- actress na si Pilar Pilapil sa serye.

Nakilala siya ng manonood bilang si Madam Chantal Dubois, ang nanay nina Moira/Morgana (Pinky Amador) at Nushi G (Gladys Reyes).

advertisement
31 of 34

Mark Herras

Kilala ngayon si Mark Herras sa award-winning series bilang si Gilbert, ang pinagkakatiwalaang tauhan nina Madam Chantal at Nushi G.

32 of 34

Kim Ji Soo 

Ang Korean actor na si Kim Ji Soo ang pinakabagong guest actor sa Abot-Kamay Na Pangarap. Kasalukuyan siyang napapanood sa serye bilang si Dr. Kim Young.

33 of 34

Paolo Paraiso

Kasalukuyang napapanood ang aktor na si Paolo Paraiso sa serye.

Kilala siya rito ngayon bilang si Brando, ang bagong kanang kamay ni Moira (Pinky Amador).

advertisement
34 of 34

Jeric Raval

Si Jeric Raval ang pinakabagong guest actor na napapanood ngayon sa hit medical drama series.

Siya ang isa sa mga bagong tauhan ni Moira (Pinky Amador) matapos itong makatakas mula sa mga awtoridad.

Around GMA