EA Guzman and Shaira Diaz's sweetest moments

Mahigit siyam na taon na ngayon ang love story ng Kapuso couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz.
Ayon kay Shaira, una silang nagkakilala ni EA sa isang talent search na sinalihan niya noon kung saan naka-partner niya sa sayaw ang aktor.
Habang nasa mall show ng talent search na ito, dito nasabi ng aktor, "Dito ako naniwala sa mga pelikula. Nangyayari pala talaga 'yun, kapag nakita mo 'yung tao tapos bigla kang [mapapalingon]. Habang bumababa siya [ng stage], sinabi ko sa sarili ko, 'Okey pala siya, maganda pala siya.'"
Dito na rin kinuha ni EA ang number ni Shaira mula sa best friend ng aktres, na siyang simula nang relasyon na mayroon sila ngayon.
TINGNAN ANG SWEETEST MOMENTS NINA EA GUZMAN AT SHAIRA DIAZ DITO:










