LOOK: Herlene 'Hipon Girl' Budol's photos for Binibining Pilipinas 2022

Isa ang Kapuso comedienne na si Herlene "Hipon Girl" Budol sa mga sumali sa Binibining Pilipinas 2022.
Sa kanyang pagsali sa beauty pageant, binahagi ni Herlene ang ilang glam photos at paghahanda sa Binibining Pilipinas.
Hiling noon ni Herlene sa kanyang supporters ay ang kanilang dasal para maging official candidate siya ng Binibining Pilipinas 2022. Saad niya, "Totoo po mag jojoin po ako ng Binibining Pilipinas sa kasalukuyan nag fill up ako ngayon ng Official Application form ng Binibining Pilipinas! ipagpray nyo ako pumasa sa screening mga Hiponatics ko ah! Love u all."
Ngayon ay official candidate na si Herlene sa nasabing beauty pageant at gumagawa na rin siya ng ingay dahil sa kanyang pasabog na performances.
Narito ang ilang mga larawan ni Herlene bilang Binibining Pilipinas 2022 candidate:

















