LOOK: Ina Feleo's life in Italy

Matapos ang Primetime series na 'To Have And To Hold,' kasamang lumipad papuntang Italy ni Ina Feleo ang asawang si Giacomo Gervasutti para makita't mabisita ang ina ni Giacomo.
Sa Italy na rin ipinagdiwang ni Ina ang kanyang 35th birthday kasama ang pamilya. Ayon sa aktres, hindi niya inaasahan na magtatagal siya nang dalawang buwan sa Italy.
"I didn't know I was going to spend 2 months in Italy and spend my birthday here too, but here I am. Super cold yet feeling warm because of the love and warmth from my loved ones and friends," pagbabahagi ni Ina.
Kahit na nasa Italy, nagpaabot ng tulong si Ina sa kanyang mga kababayan sa San Vicente, Palawan na lubha ring naapektuhan nang nagdaang bagyong Odette.
Sa pagdiriwang ng kaarawan, hiling ni Ina ang muling pagbangon ng kanyang ikalawang tahanan.
Tingnan sa gallery na ito ang buhay ni Ina Feleo sa Italy kasama ang asawang si Giacomo Gervasutti at inang si Laurice Guillen.









