LOOK: Jennylyn Mercado at Paolo Contis, mapapanood sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

Ano ang gagawin n'yo kapag nalaman n'yo na kayo na lang ang last two people on earth?
Ito ang mangyayari sa dalawang tauhan na bibida sa all-new episode ng award-winning weekly magical anthology on TV na 'Daig Kayo Ng Lola Ko' this Sunday night, July 18.
Paano haharapin nina Angel at Migs ang suliranin na ito?---- mauwi kaya sila sa matinding bangayan o pipiliin nilang lutasin ang problema kung bakit biglang naghalo na parang bula ang mga tao sa mundo?
Tutukan ang pagganap ni Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang si Angel at ang Kapuso versatile actor naman na si Paolo Contis ang gaganap bilang si Migs!
Here's an exclusive sneak-peek sa naging shooting ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' sa episode na 'Last People on Earth.'





