LOOK: Kilig moments ng FiLay sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

GMA Logo Lady and Luke

Photo Inside Page


Photos

Lady and Luke



Ilang araw na lang at mapapanood na ang much-awaited comeback ng breakout loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.

Matapos ang mahusay nilang pagganap sa 'Maria Clara at Ibarra,' makikilala naman natin sila bilang Lady at Luke sa magical new story na 'Daig Kayo Ng Lola Ko.'

Sa panayam kay Kapuso Primetime Princess ng miyembro ng press last March 7, umamin ito na may ginawa siyang adjustment sa role niya bilang Lady.

Paliwanag ni Barbie, “Medyo nag-adjust din po ako, because parehas po kasing modern si Klay at si Lady. Siguro ang iniba ko na lang po ay 'yung level of maturity and 'yung depth of acting.

“And then at the same time, 'yung pagiging wholesome pa rin nung character, kasi siyempre 'yung Daig Kayo Ng Lola Ko is an award-winning children's show.”

Maganda naman ang experience ng Pambansang Ginoo na si David na first-time sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko.'

Humanga rin siya sa director ng fantasy show na si Rico Gutierrez. Lahad ng Sparkle actor tungkol kay Direk Rico, “Ang realization ko dun was, ang bilis ng shots. Ilang beses ko sinasabi, 'ang bilis ah.'"

“It just go to show, alam na alam niya kung ano 'yung ginagawa niya. Ang galing niya, kasi despite just having one take, ang ganda nung kinakalabasan, kumbaga mero'n sariling magic sa directing," aniya.

Heto ang ilan sa aabangan na eksena sa "Lady & Luke" starting March 12 sa gallery na ito.


Lady and Luke
Roles
Barbie Forteza 
Comedy
David Licauco
Cast
Luke
Daig Kayo Ng Lola Ko

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU