LOOK: 'Luv is: Caught in his Arms' cast attend the first-ever 'Sparkle Spell'

Hindi nagpahuli ang cast ng upcoming kilig series ng GMA na Luv is: Caught in his Arms sa patalbugan ng Halloween costumes sa kauna-unahang 'The Sparkle Spell' ng Sparkle GMA Artist Center na ginanap noong Linggo, October 23, sa XYLO at the Palace sa BGC, Taguig City.
Ang lead stars ng nasabing series na sina Sofia Pablo at Allen Ansay ay dumating suot ang kanilang Corpse Bride-inspired costumes.
Iba't iba naman ang naging tema ng kanilang co-stars na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Sparkada girls na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.
Silipin ang kanilang nakakata-cute na Halloween costumes sa gallery na ito.








