LOOK: Matilda and Ceferino, may chance ba ang kanilang forever?

Sasakit na naman ang panga at tiyan ninyo sa kakatawa sa hinandang episode ng number one sitcom ng bayan na 'Daddy's Gurl' this July 2.
May magbabalik mula sa past ni Matilda (Wally Bayola) at ito ay walang iba kundi ang kumpare ni Barak (Vic Sotto) na si Ceferino Escobar (Ricky Davao).
Ito na ba ang chance sa forever ni Matilda?
Magpapakilig din this week sa 'Daddy's Gurl' ang Kapuso hottie na si Derrick Monasterio na gaganap muli na si Pantaleon.






