LOOK: MJ Lastimosa and her 'paandar' OOTD photographers

Talino, pagpapakita ng magandang physical appearance at husay sa pagrampa ang ifine-flex ng beauty queens tuwing sasali sila sa isang pageant.
Ang ilang indibidwal naman, husay sa acting skills ang ipinamalas upang mapabilang sa entertainment industry.
Ngunit, pagkatapos ng kanilang tagumpay, may isang test pa nga ba silang kailangang pagdaanan?
'Yan ay ang mapakita ang kanilang photography skills sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato sa Miss Universe Philippines 2014 na si Mary Jean o mas kilala bilang MJ Lastimosa.
Maraming netizens ang naaaliw sa bawat paandar post at witty captions ni MJ.
Ilang bigating mga personalidad kasi ang ginagawa niyang photographer para sa kanyang OOTDs.
Tingnan ang stunning photos ni MJ Lastimosa at kilalanin ang kanyang celebrity photographers sa gallery na ito:










