advertisement
Showbiz News

LOOK: New Kapuso stars and their first projects on GMA

1 of 13

Zephanie

Ang singer and songwriter na si Zephanie ay naging Kapuso noong March 2022. Si Zephanie ay kabilang sa mga Kapuso stars na napapanood sa All-Out Sundays. Bumida rin si Zephanie bilang singer para sa theme songs ng mga Kapuso drama na 'Apoy Sa Langit' at 'Bolera' at summer theme song ng Sparkle na "Kung Ikaw ang Kasama."

2 of 13

Chanty

Ang Filipino-Argentinian beauty na si Chanty o Chantal Videla ay pumirma sa Sparkle nitong November 2022. Siya ay kilala rin bilang K-Pop star at Lapillus member. Napanood na si Chanty sa Kapuso shows na 'All-Out Sundays' at sa 'Running Man PH.'

3 of 13

Jayson Gainza

Isa si Jayson Gainza sa bagong Sparkle artists na pumirma sa Signed for Stardom event nitong November 2022. Si Jayson ay napapanood sa 'Happy ToGetHer' at isa ring guest co-host sa 'TiktoClock.'

advertisement
4 of 13

Bianca Manalo

Ang dating 2009 Binibining Pilipinas Universe titlist na si Bianca Manalo ay isa na ring Kapuso. Napanood si Bianca bilang guest co-host sa 'TiktoClock.'

5 of 13

Boy Abunda

Balik Kapuso na ang talk show host na si Boy Abunda. Noong December 15, napanood ang pag-welcome ng GMA Network sa kinikilalang King of Talk. Una naman siyang nakapanayam ng batikang broadcast journalist na si Jessica Soho para sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Ayon kay Boy ang kanyang future Kapuso projects ay naaayon sa kanyang forte na pag-i-interview. “Kahit ano man ang aking gawin, mayroong interview component. But I'd like to reinvent, reimagine interview tools para may bagong mai-offer.”

6 of 13

Rufa Mae Quinto

Balik-showbiz na si Rufa Mae Quinto nang siya ay pumirma sa Sparkle GMA Artist Center ngayong 2022. Napanood si Rufa Mae sa ilang Kapuso shows tulad ng 'Family Feud,' 'Tadhana,' at 'Tols.'

advertisement
7 of 13

Kim Perez

Si Kim Perez na parte ng Sparkada ay kabilang sa mga pumirma sa "Signed for Stardom" ngayong 2022. Napapanood siya sa 'Unang Hirit' at mapapanood na rin siya soon sa seryeng 'Hearts on Ice.'

8 of 13

Marco Masa

Si Marco Masa ay isa sa mga up-and-coming young actors ng Sparkle GMA Artist Center. Napanood siya bilang young version of Tristan sa 'Start-Up PH.'

9 of 13

Skye Chua

Ang figure skating champion Skye Chua ay mapapanood soon sa 'Hearts on Ice.' Siya ay pumirma rin sa Signed for Stardom noong November 2022.

advertisement
10 of 13

Haley Dizon

Si Haley Dizon ay isa na ring Sparkle GMA Artist Center star. Siya ay napanood sa 'Mano Po Legacy: Her Big Boss.'

11 of 13

Dustin Yu

Isa sa mga bagong aabangang Kapuso actor si Dustin Yu. Isa sa mga naging proyekto niya ay GMA Telebabad series na 'Mano Po Legacy: The Family Fortune.' Naging bahagi rin siya ng pangatlong installment ng 'Mano Po Legacy' ang "The Flower Sisters."

12 of 13

Kirst Viray

Ang model-turned-actor na si Kirst Viray ay bahagi na rin ng Sparkle GMA Artist Center. Ilan sa mga proyekto niya ngayong 2022 ay 'Bolera' at 'Maria Clara and Ibarra.'

advertisement
13 of 13

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi ay kabilang sa mga new artists ng Signed for Stardom ngayong 2022. Napapanood siya sa Afternoon Prime series na 'Abot Kamay Na Pangarap.'

Around GMA