LOOK: Pauleen Luna at Mike Tan, bibida sa Valentine's Day episode ng 'Daddy's Gurl'

Dalawang magaling na Kapuso ang makakasama at maghahatid ng good vibes sa high-rating sitcom na Daddy's Gurl isang araw bago ang Valentine's Day!Subaybayan ang pagbisita ni Pauleen Luna at Mike Tan na magbibigay kilig sa buhay ng mga bida natin na sina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza).
Ano'ng nangyari at bakit umiiyak na pumunta sa tahanan ni Barak ang dating nabiktima ng recruiter na si Amanda (Pauleen Luna)?
Siya na ba ang bagong “the one” sa puso ni Barak?
Samantala, magiging tulay naman si Sir. Lance (Oyo Sotto) para magkakilala si Stacy at kanyang hunky cousin na si JR (Mike Tan).
Mukhang jackpot ang mag-amang Otogan ngayong Sabado ng gabi!
Heto ang ilan pang moments na dapat abangan sa 'Daddy's Gurl' sa February 13.





